Pipi (mute) /poem/

Takot akong humawak ng lapis
mapanganib, makapangyarihan ang lapis
Ilang salita lang, bibitiw na ako.

Sa dagat ng aking isipan
lumalangoy ang libong karanasan,
libong istorya, libong iba-ibang mukha.
Ngunit sa milyong kumbinasyon ng mga ito
kulang,
kulang na kulang
ang kakayahan ko na makilala ang
may kwenta sa wala,
ang makakapagbago ng buhay
o ang makakapagbigay ng buhay.

*

Kahit na ang reklamo ko:
Mabigat sa loob na marami man
ang gusto kong sabihin,

nasa dulo lang ng dila,
nagsasayawan ang mga salita.

Sa huli magbabago na lang ng isip,
tatahimik at palilipasin ang sandali.
Hindi ka na nakapagsalita.

*
Sa huli,
Mangingisda ng mga salita (sa libreng oras)
at ikukuwento sa sarili (pag may libreng oras)
ang mga obra na mabubuo (kung meron man).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s